Saturday, August 1, 2009

Maraming salamat po, Pangulong Cory!


Kami po sa Pag-asa Youth Association of the Philippines - Imus, Chapter ay taus-pusong nakikiramay sa mga naiwan ni Pangulong Cory Aquino. Kasabay ng aming pakikiramay ay ang aming walang katapusang pasasalamat sa "Icon ng People Power" sa kanyang mahalagang papel na ginampanan sa pagbabalik ng demokrasya sa ating bansa. Kung anuman ang kalayaang aming tinatamasa ngayon ay bunga ng kanyang sakripisyo at pagpupunyagi na muling makamtan ng bawat Pilipino ang kalayaang matagal na ipinagkait ng rehimeng Marcos.

Sa iyong pagpanaw Pangulong Cory, kaming mga kabataan ng Imus ay sumusumpa na aming babantayan at iingatan nag demokrasyang iyong ipinaglaban at iningatan mula noong iyong tanggapin ang hamon ng panahon na pangunahan ang pakikibakang ibalik ang kalayaan sa lahat ng sektor ng lipunan.

Maraming maraming salamat po, Pangulong Cory!